Home NATIONWIDE April remittances lumago ng 4%

April remittances lumago ng 4%

235
0

MANILA, Philippines – Lumago sa pinakamataas sa nakalipas na dalawang taon ang mga perang ipinapadala ng overseas Filipinos noong Abril.

Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, tumaas ng 4% ang cash remittances na ipinapadaan sa mga banko year-on-year sa $2.66 billion.

Ito ang pinakamataas na annualized growth rate mula sa 5.8-percent expansion na nakita noong Disyembre 2022.

Sa unang apat na buwan, ang remittances ay umakyat ng 3% sa $11.11 billion.

Karaniwang nagpapadala ng pera ang mga Filipino abroad sa kanilang mga pamilya sa panahon ng summer upang ipambayad sa mga tuition fee at iba pang school-related expenses sa pagsisimula ng pasukan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here