Home NATIONWIDE Sulfur dioxide emissions ng Kanlaon dumoble sa 2,953 tons

Sulfur dioxide emissions ng Kanlaon dumoble sa 2,953 tons

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes, Hunyo 17 na ang bulkang Kanlaon sa Negros island ay naglabas ng 2,953 tonelada ng sulfur dioxide sa nakalipas na 24 oras iniulat ng Phivolcs.

Ayon sa Phivolcs, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan Kanlaon. Ito ay nagpapahiwatig ng mataas na antas ng kaguluhan sa bulkan, ayon sa ahensya.

Kaugnay nito, nakapagtala ang Kanlaon ng limang volcanic earthquakes, habang ang edipisyo nito ay malaki pa rin.

Iniulat din ng Phivolcs ang katamtamang 300 metrong taas na plume.

Binalaan din ng Phivolcs ang publiko sa mga potensyal na panganib sa bulkan.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng ahensya ang mga residente sa loob ng anim na kilometrong radius ng summit ng Kanlaon na lumikas.

Idinagdag ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan. Santi Celario