Home METRO Most wanted ‘rapist’, 8 pang wanted nalambat ng mga parak sa Bulacan...

Most wanted ‘rapist’, 8 pang wanted nalambat ng mga parak sa Bulacan manhunt ops

Bulacan – Huli ang siyam na wanted kabilang ang Most Wanted Person (MWP) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa lalawigang ito nitong Hunyo 16.

Sa report kay PCOL Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, sinilbihan ng WOA ng Hagonoy police station ang isang MWP – Municipal Level na si alyas “Igna” bandang 4:30 ng hapon sa Brgy. Iba Ibayo.

Nabatid na ang WOA sa kasong Statutory Rape na walang piyansa, Rape by Sexual Assault na may piyansang P200,000 at Act of Lasciviousness (4counts) na may piyansang P200,000 bawat bilang ay inilabas ng Presiding Judge ng RTC Branch 16, lungsod ng Malolos noong Hunyo 13, 2025.

Naaresto rin sa kaparehong operasyon ng tracker team ng San Jose Del Monte, Marilao, Sta. Maria, Plaridel, Meycauayan, Malolos at Pandi police station ang walong wanted na sina alyas Mic sa kasong Simple Imprudence, alyas Del, sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000, alyas Chard at Aye sa Qualified Theft, alyas Mar sa Qualified rape, Bern sa RA 9262, alyas Gani sa Act of Lasciviousness at alyas Rene sa Bouncing Checks Law.

Kasalukuyang nasa kustodiya ang mga naarestong wanted sa mga humuling istasyon o yunit para sa tamang disposisyon. Dick Mirasol III