MANILA, Philippines – Natagpuang patay sa irrigation canal ang isang bagong silang na babaeng sanggol sa Barangay Katanggawan, General Santos City.
Ang katawan ng sanggol ay nakalubog sa tubig na agad nakakuha ng atensyon ng mga residente at iniulat sa mga awtoridad.
Maaaring limang oras nang nakababad sa tubig ang sanggol bago ito natagpuan.
Sinabi ng pulisya na maaaring maharap sa reklamong infanticide ang ina ng sanggol.
“We are exerting effort right now, mga operatives, tulong tulong na kami na bumalik sa crime scene and to look for possible witnesses. And to find kung sino yung possible na mother na walang awa na nagtapon sa bagong silang na bata,” ayon kay Police Station 8 Commander Major Robert Forres. RNT/JGC