Home NATIONWIDE Mas mura, accessible na internet asahan sa 2028 – DICT

Mas mura, accessible na internet asahan sa 2028 – DICT

249
0

MANILA, Philippines – MAKAKAASA na ang mga Filipino na sa taong 2028 ay mas magiging mura at mas magiging accessible ang internet kasabay ng hakbang ng gobyerno na palakasin ang infrastructure-sharing sa hanay ng mga players ng competitive telecommunication space.

Sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda, sa isang event na hinost ng Economic Journalists Association of the Philippines, tinatarget nila na tapyasan ang halaga ng internet ng 30% hanggang 50% ‘on or before’ sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

At upang magawa ito, binigyang diin ni Aguda ang pangangailangan na “increase the use of assets through facility sharing.”

Sa kabilang dako, ipinatutupad ng gobyerno ang karaniwang ‘tower policy o tower sharing’ kung saan nakikita bilang isang cost-effective solution na makakaya ng telecommunication operators na palawakin ang ‘footprint’ sa iba’t ibang bahagi ng bansa na hindi na maglalagay pa ng mas maraming pasilidad.

Sa halip, pauupahan ng mga operator ang ‘towers’ mula sa independent tower companies na pahihintulutan ang multiple users sa isang pagkakataon.

Tinatrabaho rin ng DICT na ayusin ang presyo sa service providers para maibaba ang contract prices.

Nito lamang Marso, matatandaan na nagawa ng gobyerno na makakuha ng P5-billion Wi-Fi contract—mas mura ng 77% mla sa kasalukuyang annual price—na may satellite internet company.

Nagawa ng gobyerno na maibaba ang presyo sa pamamagitan ng pag-aalok ng long-term agreements.

“The major telco players are aligned with the government’s goal of making connectivity more affordable to the public at a time of heightened digitalization,” ayon sa ulat.

Sa kabilang dako, sinabi ni Eric Santiago, PLDT Inc. pinuno ng network strategy at engineering, na maaaring ibaba ng telco players ang presyo sa pamamagitan ng “co-building” infrastructure gaya ng cell towers at subsea cable network.

Ang mga lokal na kompanya ay tumambal sa foreign entities sa paglalatag ng international fiber cable networks para paghusayin ang data delivery.

Idagdag pa rito, sinabi ni Santiago na mas matipid sa gastos ang mga operasyon sa paggamit ng advanced technology gaya ng artificial intelligence (AI).

Idinagdag pa ni Aguda na para maibaba ang internet cost, ginagawa na nila ang magtatag ng 50,000 free Wi-Fi spots sa iba’t ibang lugar sa bansa sa 2028.

Ang free Wi-Fi program ay nakikinitang mapakikinabangan ng 9.8 million users sa 1,401 lungsod at munisipalidad, kabilang na ang 3,040 ‘geographically isolated at disadvantaged areas.’

Layon ng programa na ayusin at paghusayin ang internet connectivity sa mga public places sa bansa kabilang na sa mgha ospital, basic education institutions, state universities and colleges, airports at seaports.

“Connectivity is not just about Wi-Fi. It’s about income, dignity and access,” ang sinabi ni Aguda. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here