MANILA, Philippines – “The impeachment trial of Vice President Sara Duterte can legally proceed even without the certification of the House of Representatives.”
Ito ang paliwanag ni San Juan Rep. Ysabel Zamora, isa sa House prosecutors sa impeachment trial, aniya, malinaw sa Saligang Batas na walang basehan ang hakbang na ginawa ng Senado.
“We have to remember that the proceedings can proceed independently of these requirements made by the Senate. Wala naman po sa Constitution na dapat nilang ibalik ang articles of impeachment at wala naman rin pong requirement na kami ay dapat mag-file ng certification,” ani Zamora.
Aniya, ang pag-endorso ng 200 mambabatas sa impeachment complaint noong Pebrero 5 ay sya nang sertipikasyon na hinihingi ng Senado, ani Zamora, ang paghahain mismo ng impeachment sa Senado ay malinaw nang basehan na nasunud ang nakasaad sa Konstitusyon ukol sa paghahain ng impeachment. Gail Mendoza