MANILA, Philippines – Para kay hindi Davao City Rep Paolo Duterte hindi na kaduda-duda kung maraming bansa ang nais na tanggapin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na payagan ito ng interim release mula sa International Criminal Court (ICC) detention.
Ang pahayag ay ginawa ni Duterte bilang depensa sa panawagan ng grupong 1Sambayan sa mga bansa na huwag tanggapin si dating Pangulong Duterte
“May I remind 1sambayanan that numerous countries have in fact lauded FPRRD in his crusade to combat crime in our country and I would not be surprised if many will express interest in receiving FPRRD in their respective country,” paliwanag ni Rep Duterte.
Ani Duterte maraming isyu ang kinaharap ang bansa ngunit wala namang naririnig mula sa grupong 1Sambayanan kaya nakapagtataka na ngayon ay nag-iingay angh grupo at nangangampanya laban sa kanyang ama.
“It is quite interesting now that these people would go on great lengths to warn states from receiving our very own president,” ani Duterte.
Una nang sinabi ng 1Sambayan na magkakaroon ng “serious implications” kung may mga bansang tatanggap kay FRRRD.
“The reported attempt by former President Rodrigo Duterte to secure interim release from ICC detention is a profound insult to the Filipino people and a blatant disregard for the victims of his regime’s brutal human rights abuses. 1SAMBAYAN, a broad coalition of Filipino civil society organizations, vehemently condemns this maneuver,” nakasaad sa statement ng grupo.
Sakaling payagan ang interim release ay maaaring mailipat sa ibang bansa si dating Pangulong Duterte. Gail Mendoza