MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Manila umaga ng Martes, Hunyo 17 ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa huling update ng BFP, rumesponde ang 13 personnel at isang ambulansya sa sunog sa Old Sandico Street, kanto ng Kagitingan Street sa Barangay 37, Tondo bandang alas 5:26 ng umaga.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bandang 5:43 ng umaga.
Idineklara namang under control ang sunog pasado alas-6 ng umaga.
Wala pang iba pang detalye na inilalabas ang BFP. Jocelyn Tabangcura-Domenden