MANILA, Philippines – Yumanig ang isang lindol na may lakas na magnitude 5.4 sa Lingig, Surigao del Sur bandang 4:36 ng hapon nitong Martes, ayon sa PHIVOLCS.
Una itong naiulat bilang magnitude 5.8.
Ang lindol ay tectonic at may lalim na 29 km, at ang epicenter ay nasa 37 km hilagang-silangan ng Lingig.
Naramdaman ang Intensity IV sa Bislig City, Hinatuan, at Lingig. Intensity II naman sa Mabini at Maco (Davao de Oro), San Francisco (Surigao del Norte), at Barobo at Lungsod ng Tandag (Surigao del Sur).
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala ngunit posibleng magkaroon ng aftershocks.
Mas maaga rin noong araw na iyon, isang magnitude 5.1 na lindol ang naitala sa timog-silangan ng Balut Island, Davao Occidental, bandang 2:25 ng hapon. Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks. RNT