Home NATIONWIDE DMW: Higit 100 Pinoy sa Israel gusto nang magpa-repat

DMW: Higit 100 Pinoy sa Israel gusto nang magpa-repat

177
0

MANILA, Philippines – Mahigit 100 Pilipino sa Israel ang humiling ng repatriation dahil sa lumalalang hidwaan sa Iran, sabi ng Department of Migrant Workers (DMW).

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na may 109 overseas Filipino worker sa Israel ang gustong mapauwi.

Ayon pa kay Cacdac, 85 sa kanila ay nasa kanilang unang listahan, at 24 pa ang nagpahiwatig ng kanilang layunin para sa repatriation kasunod ng pag-atake noong Biyernes sa Iran.

Mula noong Biyernes, tinamaan ng Israel ang mga pangunahing nuclear at military sites at pinatay ang mga nangungunang kumander at nuclear scientist sa Iran, na tumugon at nagpalipad ng missiles at drones sa Israel.

Sinabi ni Cacdac na kumpiyansa sila na maiuuwi ang mga Filipino nang ligtas sa lalong madaling panahon.

Kinokonsidera aniya ng gobyerno ng Pilipinas ang pagkakaroon ng talakayan sa Israeli authorities para sa posibleng muling pagbubukas ng airports para sa repatriation.

Isa pa aniyang posibilidad ay i-ferry ang mga Filipino sa Jordan at Egypt. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here