Home NATIONWIDE LRT ops mula Gil Puyat-FPJ Station, limitado

LRT ops mula Gil Puyat-FPJ Station, limitado

323
0

MANILA, Philippines – Limitado ang biyahe ng LRT-1 ngayong Miyerkules ng umaga, Hunyo 18, mula Gil Puyat hanggang FPJ Station at pabalik dahil sa aberyang elektrikal sa pagitan ng Redemptorist-Aseana at Baclaran Stations sa Parañaque.

Ayon sa Light Rail Management Corporation (LRMC), nasa lugar na ang kanilang engineering team para ayusin ang problema at suriin ang catenary facilities para sa kinakailangang pagkukumpuni.

Humingi ng paumanhin ang LRMC sa abalang dulot nito at nangakong magbibigay ng mga update habang nagpapatuloy ang pagsasaayos. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here