MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakatutok ang administrasyon sa pagpapalakas ng kasalukuyang curriculum at tugunan ang long-standing gaps sa education infrastructure at pagsuporta sa mga guro habang pinagtatalunan sa Kongreso ang posibleng pagbabago.
Ito’y sa kabila ng pagkabigo sa K-12 program.
“He’s just expressing the same frustrations that I am expressing in the first place,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang pinakabagong podcast na in-ere, araw ng Miyerkules, tinukoy ang panawagan ni Senador Jinggoy Estrada na i-abolish ang senior high school.
“It’s costing more for the parents…sa 10 years wala naman advantage. Hindi rin nakukuha sa trabaho. That’s his frustration and that’s also my frustration. So, we’ll see what the Congress will do,” ayon kay Pangulong Marcos.
Muling inulit ng Pangulo na habang ang K-12 ay nananatiling batas, inatasan ng Chief Executive si Education Secretary Sonny Angara na ayusin ang sistema.
Kinilala ng Pangulo ang paulit-ulit na usapin ng ‘skills mismatch.’
“Yung skills ko, hindi employable,” ang sinabi ng Pangulo, muling inulit ang karaniwang mga hinaing ng mga nagtapos.
Para tugunan ito, tinukoy niya ang mas pinalakas na public-private partnerships sa training programs na direktang naka-ugnay sa trabaho.
Hinggil naman sa mas pinalawak na education reform, binigyang din ni Pangulong Marcos ang agarang pangangailangan para kumpunihin ang silid-aralan at reconstruction, ikinalungkot ang kakapusan ng 160,000 silid-aralan.
Ang gobyerno aniya ay nakikinabang sa Public-Private Partnerships para sa school building projects.
“Kapag ang gobyerno lang ang gagawa, kakaunti lang ang magagawa natin,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.
Sa kabilang dako, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng mga guro sa muling pagbuhay sa sektor ng edukasyon.
“Support the teachers. Just support the teachers. That’s No. 1,” aniya pa rin, tinukoy ang mga programa gaya ng ‘retraining, administrative load reduction, at increased hiring.’
Inalala rin ng Pangulo ang maagang legislative work sa pagbuo ng savings cooperatives para sa mga guro para protektahan ang mga ito mula sa loan sharks.
Samantala, sa isang mensahe sa mga guro, sinabi ng Pangulo na “Kayo’y mga bayani para sa akin… Asahan niyo na alam ko na napakabigat ng inyong trabaho… Tutulungan namin kayo hanggat maaari.” Kris Jose