Home SPORTS Huskers walang awang binugbog ng Bulacan Kuyas

Huskers walang awang binugbog ng Bulacan Kuyas

277
0

IPINAKITA ng Quezon Huskers ang kanilang lakas matapos tambakan ang Bulacan Kuyas, 91-61, sa pagpapatuloy ng 2025 MPBL Season.

Sa pangunguna nina JP Sarao, Diego Dario, at LJ Gonzales, agad na umalagwa ang Huskers sa unang quarter, 29-5, at hindi na nilingon pa ang Kuyas.

Nag-ambag si Sarao ng 15 puntos at 6 rebounds, habang si Joseph Gabayni ay may 12 puntos at 6 boards para kay coach Eric Gonzales.

Matapos ang panalo, umangat ang kartada ng Quezon sa 12-3, at kasalukuyang nasa buntot ng top teams tulad ng Nueva Ecija, Abra, at San Juan.

Isa ring positibong balita para sa Huskers ang pagbabalik ni Will Gozum, dating NCAA MVP, matapos ang higit isang taong rehabilitasyon mula sa knee surgery.

Hangad ng Quezon na mabawi ang South Division crown na naagaw sa kanila ng Pampanga noong nakaraang season.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here