NALAGLAG na sa playoff contention ang Alas Pilipinas Men’s volleyball team matapos ang 4-set loss sa Chinese-Taipei, 19-25, 25-23, 28-30, 20-25, sa AVC Men’s Nations Cup.
Bagama’t bumida si Marck Espejo na may 26 points, 11 receptions, at 6 digs, hindi ito naging sapat upang makuha ng Pilipinas ang unang panalo sa torneo.
Naging matindi ang labanan sa ikatlong set, kung saan nagkaroon ng tatlong set point ang mga Pinoy ngunit natalo pa rin dahil sa clutch plays ni Yu-Sheng Chang ng Chinese-Taipei.
Nagpakitang-gilas din si Leo Ordiales mula sa bench, habang si Josh Ybañez ay bumida sa bagong posisyon bilang libero na may double-double performance.
Ito na ang ikatlong sunod na taon na mapupunta sa classification round ang Alas Men matapos hindi makalusot sa pool stage.
Makakalaban ng Pilipinas ang mga huling ranked teams mula sa Pool A at D upang makuha ang mas mataas na posisyon sa final standings.GP