MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupong kabataan na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) na bumaba si Senate President Chiz Escudero bilang presiding officer at hukom sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa grupo, bigo si Escudero na tuparin ang tungkulin niya sa Konstitusyon sa pamamagitan ng pagpayag sa mga kilos na umano’y pumapabor sa Bise Presidente.
“Ginawa niyang katawa-tawa ang Konstitusyon,” ani SPARK secretary general Patricia Racca, kasunod ng mga pahayag ni Escudero na tila walang limitasyon ang kapangyarihan ng impeachment court.
Giit ng SPARK, hindi magiging patas ang paglilitis hangga’t hindi bumababa si Escudero sa puwesto. Dagdag pa nila, maaaring umabot sa impeachment si Escudero kung masusing imbestigahan ang kaniyang mga hakbang. RNT