Home SPORTS Lakers naibenta sa halagang $10-B

Lakers naibenta sa halagang $10-B

MANILA, Philippines – Ibinenta na ang kilalang NBA team na Los Angeles Lakers sa halagang $10 billion —ang pinakamahal na presyo para sa isang sports team sa kasaysayan ng Estados Unidos, ayon sa ulat.

Nabatid na ang Buss family, ang nagmamay-ari ng Lakers sa loob ng 47 taon, ay nagbenta ng kanilang kontrol sa club kay billionaire Mark Walter, isang kasalukuyang minorya na may-ari ng team at CEO ng TWG Global.

Gayunpaman, mananatili si Jeanie Buss na kakatawan sa kasalukuyang may-ari ng Lakers, at team governor ng koponan na may kontrol ng desisyon para sa team.

Ayon sa ulat, si Walter din ang may-ari ng Los Angeles Dodgers, Los Angeles Sparks, at iba pang sports properties.

Sinabi ni NBA legend Magic Johnson, magandang balita ito para sa Lakers dahil si Walter ay may reputasyon at may kasaysayan ng pagkapanalo at pamumuno.

Matatandaang nagdala ng 11 NBA championships ang Buss family sa Lakers mula noong 1979, kabilang ang mga panahon na pinamunuan ito nina Magic Johnson at Kobe Bryant.JC