Home NATIONWIDE Pinas kakapusin ng 80K klasrum sa 2040 kahit bumaba birth rate –...

Pinas kakapusin ng 80K klasrum sa 2040 kahit bumaba birth rate – study

244
0

MANILA, Philippines – Kahit bumababa na ang birth rate, posible pa ring kulangin ng 58,000 hanggang 81,000 silid-aralan ang Pilipinas pagsapit ng 2040 kung walang bagong itatayong classrooms, ayon sa pag-aaral ng EDCOM 2 at PIDS.

Sa ngayon pa lang, may 165,000 na classroom backlog ang bansa, lalo na sa NCR, CALABARZON, Region XII, at BARMM.

Babala ng pag-aaral, hindi sapat ang pagbaba ng bilang ng estudyante kung ang mga silid-aralan naman ay luma na, sira, o delikado sa kalamidad. Kadalasan, ang bagong infrastructure ay pumapalit lang sa luma, hindi nadaragdagan ang kapasidad ng mga paaralan.

Iminumungkahi ng mga eksperto ang public-private partnerships, pagtutulungan ng national at local government, at pinalawak na voucher programs para sa mga estudyanteng kayang ipasok sa mga pribadong paaralan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here