Home HEALTH Medicinal use ng ‘magic mushrooms’ aprubado sa N. Zealand

Medicinal use ng ‘magic mushrooms’ aprubado sa N. Zealand

Inaprubahan ng New Zealand ang limitadong paggamit ng psilocybin—ang sangkap sa “magic mushrooms”—bilang gamot para sa depresyon na hindi na tumatalab sa ibang treatment.

Ayon kay Deputy Prime Minister David Seymour, pinayagan ang isang bihasang psychiatrist na magreseta nito sa piling pasyente.

Bagamat nananatiling hindi opisyal na gamot ang psilocybin, papayagan ito sa ilalim ng mahigpit na kondisyon.

Tanging mga psychiatrist na may karanasan sa clinical trials ng psilocybin ang maaaring magreseta, at kailangang detalyado ang kanilang monitoring at record-keeping.

Katulad ito ng hakbang ng Australia noong 2023, at bahagi ng lumalawak na paggamit ng psychedelic drugs sa medisina, lalo na sa paggamot ng depresyon at PTSD. RNT