Home NATIONWIDE Post-kidney transplant benefits ng PhilHealth inilunsad

Post-kidney transplant benefits ng PhilHealth inilunsad

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes ang paglulunsad ng bagong benepisyo ng PhilHealth para sa post-kidney transplantation services.

Binisita ni Pangulong Marcos ang mga pasyente sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Diliman, Quezon City, kung saan binati niya ang mga pasyente sa Hemodialysis Center at Hemodialysis Center Extension.

Muli namang pinagtibay ng PhilHealth ang suporta nito para sa mga pasyente ng NKTI sa pamamagitan ng pagpapahusay ng mga benepisyo para sa mga miyembrong na-diagnose na may chronic kidney disease (CKD) stage 5.

Ang chronic kidney disease ay itinuturing na isang pressing global health issue na may 9.1% hanggang 13.4% na prevalence sa populasyon sa buong mundo.

Sinabi ng NKTI na kada oras ay may isang Pilipino na nade-develop ng chronic kidney failure—katumbas ng 120 bagong kaso kada milyong populasyon taun-taon. Kris Jose