MANILA, Philippines – Walang nanalo sa dalawang major lotto draws noong Biyernes, Hunyo 20, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang tumama sa winning combination na 23-27-51-38-20-22 para sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot na ₱138,703,022.80.
Wala ring nanalo sa Mega Lotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng ₱25,002,216.60, gamit ang kombinasyong 23-04-05-06-24-44. RNT