Home HOME BANNER STORY Alert Level 3 itinaas ng Pinas sa Israel at Iran

Alert Level 3 itinaas ng Pinas sa Israel at Iran

MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 3 ang babala para sa Israel at Iran dahil sa lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, na ngayon ay nasa ikapitong araw na ng sagupaan.

Epektibo agad ang alerto simula Biyernes, at hinihikayat ang lahat ng overseas Filipinos (OFs) sa nasabing mga bansa na umuwi ng Pilipinas.

“Lubhang hindi inirerekomenda ang pagbiyahe ng mga Pilipino sa dalawang bansang ito dahil sa nagpapatuloy na krisis at sa pagsasara ng kanilang air space at seaports,” ayon sa DFA.

Pinayuhan din ang mga nais magpa-repatriate na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at Tehran.

Sinabi ng DFA na patuloy nilang susuriin ang sitwasyon sa lugar at umaasa silang agad na magtatapos ang kaguluhan. RNT