Home METRO ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies sa panahon sa bansa, ayon sa ulat ng PAGASA ngayong Sabado ng umaga.

Magdadala ang ITCZ ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, Western Visayas, Negros Island Region, at Palawan.

Samantala, maulap hanggang bahagyang maulap na kalangitan na may posibleng pag-ulan o pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.

Dahil naman sa easterlies, makakaranas ng katulad na panahon ang Bicol Region, Quezon, nalalabing bahagi ng Visayas, at MIMAROPA. Bahagyang maulap hanggang maulap din ang kalangitan sa natitirang bahagi ng bansa, na may posibilidad ng panandaliang ulan o pagkulog-kidlat.

Mahina hanggang katamtaman ang ihip ng hangin sa buong bansa, at bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa karagatan. RNT