Home NATIONWIDE Arraignment ni Teves sa isa pang korte sa Maynila, ipinagpaliban

Arraignment ni Teves sa isa pang korte sa Maynila, ipinagpaliban

215
0

MANILA, Philippines – Hindi natuloy ang arraignment kay dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves at ilang pang akusado sa isa pang korte sa Maynila.

Ayon kay Atty. Anfres Manuel Jr., abogado ni Teves, ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal laban sa kanyang kliyente sa Hunyo 26 para sa kasong murder noong 2019.

Ayon pa kay Atty. Manuel, ito ay dahil wala pa namang hurisdiksyon ang Manila RTC Branch 15 kay Teves at hindi pa naibabalik ng NBI ang warrant na inilabas ng korte para sa pagdakip kay Teves at iba pang akusado.

Binigyan ng 48 oras ng Branch 15 ang NBI para maibalik ang warrant upang magkaroon ng hurisdiksyon ang husgado kay Teves at upang mapaharap ito sa korte.

Ang arraignment ni Teves at iba pa ay kaugnay sa pagpatay sa tatlong katao noong 2019 sa magkahiwalay na mga lugar sa Bayawan City at Dumaguete City, kabilang na ang isang dating NBI agent na tumatakbo noon bilang provincial board member.
(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here