Home ENTERTAINMENT Netizens, nag-reak sa balitang tatakbo si Charo na senador!

Netizens, nag-reak sa balitang tatakbo si Charo na senador!

261
0

Manila, Philippines — Talk of the town ng mga tsismosang kapitbahay ang isang blind item na kumalat sa isang portal.

Ayon sa BI, isang female TV executive raw ang nakatakdang kumandidato bilang senador sa 2028 national election.

Marami namang mga kate-katera ang kumasa sa nasabing pahulaan challenge.

Karamihan sa mga humula ay nagsabing ang nabanggit na executive ay walang iba kundi ang beteranang aktres na si Charo Santos.

May ilang nag-mention din ng mga pangalan nina Jessica Soho at GMA-7 executive Annette Gozon.

Ito naman ang sey ng mga kibitzers:

“Heard nga na may mga humihimok kay Ma’am Charo.”

“I think, puwede naman siya kasi naging Prez at CEO siya ng ABS-CBN.”

“Iba naman ang pamamahala ng network sa pagiging senador. We need legislators na may alam at experience sa batas.”

“For the franchise ba iyan?”

“Enough na ang mga artista na pulitiko.”

“I-KMJS na iyan. Si Mareng Jessica, fit siya to run for public office, alam niya ang pulso ng masa.”

“Baka naman si Ma’am Annette iyan.”

“Mag-concentrate na lang siya sa MMK. She’s better off there.”

“Last election, ang daming natalong artista. Ibig sabihin, nagigising na ang mga tao na hindi porke’t popular ay iyon ang dapat iboto. Tinitingnan na nila iyong track record ng kandidato, tulad ng kung may alam ba o may pinag-aralan sa paggawa at pagpapatupad ng batas.”
(Archie Liao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here