Home NATIONWIDE Pope Leo nanawagan ng ‘international diplomacy’

Pope Leo nanawagan ng ‘international diplomacy’

204
0

VATICAN – Sinabi ni Pope Leo XIV na dapat magsikap ang pandaigdigang komunidad na maiwasan ang digmaan at dapat na palitan ng diplomasya ang labanan.

Tinamaan ng US forces ang tatlong pangunahing nuclear sites ng Iran, na nagpalala sa isang labanan sa Gitnang Silangan habang ang Tehran ay nangakong ipagtanggol ang sarili at gaganti.

Sinabi ni Pope Leo na bawat miyembro ng international community ay may moral responsibility na pigilan ang trahedya ng digmaan bago ang ‘irreparable abyss.’

Ayon pa sa Papa, walang tagumpay ng giyera ang makakatumbas sa sakit ng mga ina, sa takot sa mga anak, at sa mga ninakaw na kinabukasan.

“Let diplomacy silence the weapons, let nations chart their future with peace efforts, not with violence and bloody conflicts,” saad ng Papa.

Diin ni Pope Leo, ang araw-araw na pagdurusa ng populasyon lalo na sa Gaza at iba pang mga teritoryo ay nanganganib na makalimutan kung saan ang pangangailangan para sa sapat na makataong suporta ay lalong nagiging urgent. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here