MANILA, Philippines – Nasabat ng mga pulis ang higit P1.6 milyong halaga ng high-grade marijuana sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City noong madaling araw ng Hunyo 22.
Nahuli rin ang suspek na si alyas “Buknoy,” isang high-value target mula Pateros.
Ayon kay Eastern Police District director Brig. Gen. Aden Lagradante, 1,100 gramo ng kush ang nakuha mula sa suspek.
Kakaharapin nito ang mga kaso kaugnay ng pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng RA 9165. RNT