MANILA, Philippines – Patay ang 60-anyos na motorcycle rider nang mabangga siya ng 10-wheeler truck na biglang umabante mula sa pagparada sa Payatas Road, Quezon City.
Naiipit ang biktima sa ilalim ng bumper ng truck at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Ayon sa mga saksi, habang ichina-charge ang battery ng truck, bigla itong umabante nang walang driver sa loob, na tumama sa rider.
Umalis sa lugar ang truck driver at kasalukuyang hinahanap ng pulisya. Posibleng kasuhan siya ng reckless imprudence resulting in homicide at damage to property. RNT