MANILA, Philippines – TINITINGNAN ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ang Australia bilang isa sa mga bansa para sa kanyang posibleng interim release.
Kinumpirma ito ni Vice President Sara Duterte nito lamang weekend habang siya ay nasa kanyang personal trip sa Australia.
“Australia is in the list of countries that are considered by the lawyers, but I am not here for the interim release. Not for this visit,” ang sinabi ni VP Sara.
Sa ulat, wala namang ideya si dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, sa bagay na ito.
Nagpunta si VP Sara sa Australia dahil nais niyang dalhin sa international community at kausapin ang Filipino community doon “about the International Criminal Court and the case of former President Duterte [and discuss] what is happening in our country right now in terms of the performance of the administration of President Marcos.”.
Sinabi pa nito na tinangka niyang kausapin si Australian Foreign Minister Penny Wong, subalit hindi naman available ang huli na makapulong siya, araw ng Lunes.
“So, I will not be visiting Australian government officials for this visit. But I do hope that I can meet them in my next visit in the future,” ayon kay VP Sara.
Sa ulat, si Digong Duterte ay nahaharap sa kasong “crime against humanity” dahil sa brutal na anti-narcotics campaign ng kanyang administrasyon habang presidente at sa extrajudicial killings sa Davao City noong mayor pa siya ng lungsod.
Matatandaang noong buwan ng Marso nang makulong ang dating pangulo sa ICC Detention Center sa Scheveningen, The Hague Netherlands dahil sa crime against humanity.
Samantala, opisyal nang naghain ng interim release ang kampo ni dating Pangulong Duterte sa International Criminal Court (ICC) at malagay sa hindi na binanggit na bansa.
Ayon sa kaniyang abogado na si Nicholas Kaufman, mayroong isang hindi na binanggit na bansa ang nagpahayag na tanggapin ang dating pangulo.
Nakasaad sa inihain na petisyon ni Kaufman, na hindi naman maselan ang kalagayan ni Duterte para mag-flight at natitiyak ang pagdalo nito sa mga mga pagdinig sa korte.
Naniniwala ito na hindi papahiyain ni Digong Duterte ang bansa na nais kumupkop sa kaniya.
Ang hindi na binanggit na bansa ay state party sa Rome Statue na ang tratado ay itinaguyod sa International Criminal Court (ICC).
Giit din ng abogado ng dating pangulo na hindi naman kumontra dito ang prosecution.
Umaasa sila na maaprubahan ng ICC Pre-Trial Chamber ang kanilang hirit na interim release. Kris Jose