Home METRO 2 dambuhalang high tide lulusob sa mga mababang lugar sa Bulacan 

2 dambuhalang high tide lulusob sa mga mababang lugar sa Bulacan 

310
0

Bulacan — Nanalangin ang maraming residente sa mga baybayin at mabababang lugar ng lalawigan na huwag nang sabayan ng bagyo ang dalawang pinakadambuhalang high tide ngayong linggo, na inaasahang magdudulot ng malawakang pagbaha.

Batay sa tala, naitala nitong Lunes, Hunyo 23, ang 4.3 feet na high tide bandang 7:19 ng umaga. Sinundan ito ng 4.6 feet nitong Martes, Hunyo 24, habang 4.9 feet naman ang inaasahang taas ng tubig bandang 8:46 ng umaga sa Miyerkules, Hunyo 25.

Mas nakababahala ang banta ng mas mataas na pagtaas ng tubig sa umaga ng Huwebes at Biyernes, Hunyo 26-27, na posibleng umabot sa 5.2 feet — ang pinakamataas sa serye ng high tide ngayong linggo.

Dahil dito, ilang bahagi ng Calumpit, Hagonoy, Paombong, Malolos, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Marilao, Meycauayan, at Obando ang muling nakaranas ng pagbaha. Inaasahan pang mas lalala ang sitwasyon kung sabayan ito ng ulan o bagyo.

Ayon sa ulat ng panahon, kasalukuyang nag-oorganisa ang makakapal na kaulapan sa kanluran ng Southern Luzon na bahagi ng isang Low Pressure Area (LPA). May posibilidad umano itong maging bagyo sa loob ng 24 oras, na may kasamang malalakas na thunderstorms ngayong hapon ng Martes, Hunyo 24.

Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa mga residente na maging alerto at handa sa posibleng paglikas sakaling lumala ang lagay ng panahon at tumaas pa ang tubig sa mga lugar na dati nang binabaha. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here