Home SPORTS 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championship sisiklab sa Pinas

3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championship sisiklab sa Pinas

266
0

MANILA — Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships.

Gaganapin ang torneo mula Nobyembre 15 hanggang 24 sa huling bahagi ng taong ito  sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City matapos igawad ng FIG Executive Committee ang hosting sa bansa.

“Ako ay natutuwa na ang FIG Executive Committee ay iginawad ang Artistic Gymnastics Junior World Championships sa Gymnastics Association of the Philippines,” sabi ni FIG President Morinari Watanabe.

“Nangangahulugan ito na ang junior at senior world championship ngayong taon sa artistic gymnastics ay parehong gaganapin sa mga bansang hindi pa nakapagsagawa ng world championship dati.”

Ang Pilipinas ay may perpektong gymnast upang magbigay ng inspirasyon sa mga pambansang gymnast at tagahanga, lalo na sa dobleng gintong kaluwalhatian ni Carlos Yulo sa 2024 Paris Olympic Games.

Lubos ang pasasalamat at kagalakan ng Pilipinas na nabigyan ng hosting rights para sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships,” sabi ni GAP President Cynthia Carrion.

Naging idolo ng gymnasitic si Yulo at lalo pa itong naging sikat ng mag-uwi ito ng dalawang ginto mula sa Olympics na nagbigay-daan sa kanya upang iangat ang sport sa bansa sa bagong taas.

At sa pagtaas ng interes ng mga Pinoy sa artistic gymnastics kaysa dati, nararapat lang na ang Maynila ang maging host ng pinakabagong edisyon ng junior world championships.

Ang parehong men’s at women’s artistic gymnastics ay inaasahang itatampok sa nasabing mga kampeonato.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here