Home METRO Bigtime tulak timbog sa P.3-M shabu

Bigtime tulak timbog sa P.3-M shabu

179
0

MANILA, Philippines – Isang bagong identified drug pusher na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang natiklo at nakuhanan ng mahigit P300,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jesril,” 36, construction worker ng Brgy. Tañong.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal na drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy-bust operation, sa koordinasyon ng PDEA.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-11:20 ng gabi sa M. Aquino St., Brgy. Nuigan.

Nakumpiska sa suspek ang humigit-kumulang 54 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P367,200 at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.

(Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here