Home ENTERTAINMENT Kontribusyon ng senior citizens kinilala sa 7th Navoteño Film Festival

Kontribusyon ng senior citizens kinilala sa 7th Navoteño Film Festival

257
0

NAVOTAS CITY — Isang makapangyarihang pagtatapos ang bumida sa ika-7 Navoteño Film Festival (NFF) kung saan itinatampok ang mga youth-driven na pelikula na nagbigay-pugay sa mga senior citizens bilang gabay ng komunidad.

Sa temang “Senior: Lakas ng Nakaraan, Gabay ng Kinabukasan,” pinuri ng festival ang mahalagang papel ng mga nakatatanda sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan. Ang mga kalahok na pelikula ay sumalamin sa mga alaala, sakripisyo, at karunungan ng nakaraan—lahat ay isinalaysay sa lente ng mga batang Navoteñong filmmakers.

Kasabay nito, isinagawa rin ang 6th Navoteño Photo Competition and Exhibition na tumalakay sa sensitibong isyu ng teenage pregnancy sa temang “No Cap: Ang Realidad sa Maagang Pagbubuntis.”

Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang dalawang kaganapan ay nagbigay daan upang makapagkuwento ang mga Navoteño ng makabuluhang kwento mula sa kanilang karanasan.

“Congratulations sa lahat ng production teams — sa bawat cast at crew, major man o minor ang papel — saludo kami sa inyo!” ani Mayor Tiangco.

“Likas na malikhain ang mga taga-Navotas. Nakakatuwang makita na pinapaunlad ninyo ang inyong craft, at pinapasaya ang ating mga kababayan.”

Mga Nanalo sa Film Festival
First Best Picture: “Sintang Tula: Ang mga Patnubay ni Aling Sita”
Kasama ang Best Original Song at Best Actress

Second Best Picture: “Left Cross”
Wagi rin sa Best Actor, Best Editing, Best Production Design, Best Cinematography, at Best Trailer

Third Best Picture: “Good Sunday”

Iba pang kinilalang pelikula:

“Sumayaw, Sumunod” – Best Director, Best Poster Design, Best Supporting Actor

“Sora” – Best Costume Design

“My Grandma Can Fly” – Best Sound Design

“Si Lolo at ang Tiktok ng Buhay” – Best Screenplay

“Laot” – Best Ensemble Performance, Best Supporting Actress

“In My Father’s Shadow” – Best Child Performer

Samantala, 15 finalist photos sa photo competition ang itinampok sa Navotas City Hall lobby mula Hunyo 9–20, 2025. Pinarangalan ang top five sa ginanap na NFF Awards Night.

Ang mga kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng 18th cityhood anniversary ng Navotas.

Jojo Rabulan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here