BASCO, Batanes — Muling nakarekober ng panibagong malaking halaga ng hinihinalang iligal na droga sa baybaying bahagi ng Barangay Chanaryan, Basco, Batanes.
Nakita ng isang lokal na mangingisda na residente ng nasabing barangay ang naglalaman ng 24 na vacuum-sealed na pakete at isang nabuksang pakete na may markang “DAGUANYING” na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga.
Tinatayang nasa 24.5 kilo ang kabuuang bigat ng mga nasamsam na droga na may halagang ₱166,600,000.00 sa merkado.
Pormal namang ipinasakamay ang mga kontrabando sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Basco.
Ang naturang operasyon ay bunga ng pinagsanib na puwersa ng Batanes Police Provincial Office, PDEA RO2 Batanes PO, Basco Police Station, Provincial Intelligence Unit, Philippine Coast Guard, Philippine Navy, at Mobile Battalion Landing Team 10-30 MC.
Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng PDEA Batanes Provincial Office ang mga nasamsam na items at agad na dadalhin sa PDEA Region 2 Laboratory Office para sa kaukulang dokumentasyon. Rey Velasco