Home NATIONWIDE QC gagawing flood-free

QC gagawing flood-free

231
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na target ng kanyang administrasyon na gawing flood free ang Quezon City sa mga susunod na buwan sa pagpapalawak ng flood control sa lungsod.

Ginawa ni Mayor Belmonte ang pahayag sa panayam ng mga mamamahayag dahil ang problema ng baha ang isa aniya sa problema ng lungsod sa tuwing umuulan.

Sa kanyang panunumpa sa tungkulin, hiningi ni Mayor Belmonte and suporta ng mga bagong halal na opisyal, mga kongresista, Vice Mayor Guian Sotto at iba pa ang commitment ng mga ito para tumulong na maibsan ang problema sa pagbaha.

“Nangako naman si Congressman Suntay na tutulong sa proyekto ng lungsod kaugnay sa flood control,” ani Belmonte.

Ang Lungsod Quezon ay isa sa mga lugar sa Metro Manila na madalas bahain kapag umuulan nang malakas.

Samantala, sa panayam naman kay Quezon City Congressman District 4 Bong Suntay, tiniyak nito na ang kanyang distrito ay tiyak na maglalaan ng pondo para sa flood control na isa sa pagtutuunan niya ng pansin bukod pa sa health services na kanyang prioridad.

“Bibigyan natin priority ang flood control upang matugunan ang problema ng baha,” ayon pa kay Suntay.

Kaugnay nito, nangako naman ang Quezon City government makikipagtulungan ito sa national government para matugunan ang problema ng flood control. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here