MANILA, Philippines – Dalawa o tatlong bagyo ang inaasahang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Hulyo ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services (PAGASA).
May malaking tsansa itong mag “landfall” sa gawing Visayas o Gitnang Luzon o maaari ring sa gawing Batanes. Maaaring mag bago ang direksyon nito at siguradong palalakasin pa nito ang Habagat, ayon sa PAGASA.
Sa ngayon ay may binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa gawing Quezon, at may bahagyang tyansa itong maging “Tropical Depression”. RNT/MND