Home ENTERTAINMENT Relasyong Kathryn at Mayor Mark, pinagdududahan!

Relasyong Kathryn at Mayor Mark, pinagdududahan!

334
0

Manila, Philippines – Pinag-uusapan, talaga lalo na nu’ng kasagsagan ng kampanya ang relasyon daw nina Kathryn Bernardo at gwapong Mayor ng Lucena City na si Mark Don Victor B. Alcala.

Nananatili itong hersay o tsismis lamang lalo’t wala namang maipakitang ebidensiya si Mark o kampo nito na girlfriend talaga niya si Kathryn.

May pautot pa ang mga taong nakapaligid kay Mayor Mark na very private person daw ito at mahigpit raw nitong ipinagbabawal na kunan sila ng litrato sa mga date nila ni Kathryn.

Sino naman kaya ang maniniwala sa kanila.

And beside, wala namang pag-amin mula kay Ms. Bernardo na sila na nga ni Mark.

As I’ved heard, ang publicist daw ni Mayor Mark at daddy nitong si reelected Vice Mayor Roderick Alcala ang siyang pasimuno kung bakit biglang naugnay si Kathryn sa gwapong alkalde.

Nagkaroon na ng artistang karelasyon noon si Mayor Mark, tulad ng ex na si Ashley Ortega. Well, maging kami ay maniniwala lang kapag meron na silang pruweba! Peter Ledesma

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here