Home HOME BANNER STORY Mas malalim na missing sabungeros probe, iniatas ni PBBM

Mas malalim na missing sabungeros probe, iniatas ni PBBM

308
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas malalim na imbestigasyon kaugnay ng mga nawawalang sabungero, kasunod ng alegasyon na may kinalaman ang ilang pulis sa krimen.

Ayon kay Malacañang Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, layunin ng utos na matukoy ang lahat ng sangkot at mapanagot ang dapat managot. “Ipagpatuloy ang malalimang imbestigasyon,” ani Castro sa press briefing.

Naniniwala aniya ang Palasyo sa integridad ng korte sa kabila ng ulat na makapangyarihan at maimpluwensiya ang utak ng krimen.

Una nang sinabi ni alias “Totoy,” isa sa mga akusado, na nasa 20 pulis ang sangkot sa pagdukot sa mga sabungero, na umano’y dahil sa dayaan o “match-fixing” sa laban. Giit niya, inilibing na raw ang mga biktima sa Taal Lake.

Nasa 34 sabungero ang naiulat na nawawala mula 2021 hanggang 2022.

Kasabay nito, nagsimula na ang imbestigasyon ng Napolcom, na sinusuportahan naman ng PNP at ng Internal Affairs Service para sa posibleng administratibong kaso laban sa mga sangkot na pulis. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here