Home METRO Ilang estudyante na-ospital sa mabahong amoy sa iskul

Ilang estudyante na-ospital sa mabahong amoy sa iskul

273
0

ANTIQUE, Philippines – Walang naitalang nasawi sa mga mag-aaral na naospital sa isang high school sa Antique matapos na makalanghap ng nakasusulasok na amoy.

Sinabi ng Department of Health (DOH) na ang Western Visayas Center for Health Development kasama ang lalawigan ng Antique ay tumutugon sa insidente kung saan may umalingasaw na mabahong amoy sa isang national high school sa lalawigan.

Sinabi ng Lalawigan ng Antique na ilang estudyante ang isinugod sa Ramon Maza Sr. Memorial District Hospital (RMSMDH) matapos makalanghap ng hindi kilalang substance sa Pis-anan National High School (PNHS).

Idinagdag pa na pinayuhan ng mga medical authorities ang mga residente sa lugar malapit sa Pis-anan National High School na maging vigilant.

Sa Facebook post, sinabi ng Probinsya ng Antique na 100 pasyente ang ginagamot sa Ramon Maza Sr Memorial Disrict Hospital noong Miyerkules ng tanghali.

Idinagdag nito na 20 pasyente ang inilipat sa Angel Salazar Memorial General Hospital habang 27 ang dinaluhan ng mga medical responders sa triage na itinayo sa Barangay Pis-anan gymnasium. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here