Home HOME BANNER STORY Klase sa Maynila sinuspinde sa tindi ng ulan

Klase sa Maynila sinuspinde sa tindi ng ulan

MANILA, Philippines – SINUSPINDE na ng local na ng pamahalaang lungsod ang physical/face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Maynila ngayong araw, Huwebes, 3 July 2025.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bago umpisahan ang kanilang pagpupulong kasama ang ilang mga Barangay Captain sa lungsod kung saan dahil sa nararanasang walang tigil na ulan ay sinuspinde na ang klase mula Kinder hanggang Senior High School (SHS) sa Maynila simula alas-12 ng tanghali.

“While we value education, what is important is life more than anything else. To safekeep and protect our children in the City of Manila, bago pa yung high probability of this rainfall will get worse, pauwiin ko na ang mga bata habang katamtaman pa ang ulan,” ani Domagoso.

“Base sa ating mga espesyalista, baka lumakas na rin. Makulimlim, may ambon, we’re okay — but it’s going to get worse later on,” dagdag pa ng alkalde. JAY Reyes