MANILA, Philippines – Inihayag ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang planong pagsamahin ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections (BuCor) upang mapagaan ang pagsisikip sa mga kulungan, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Ito’y panukala pa lamang at dadaan sa konsultasyon. Dapat alam ninyo ang ginagawa at bahagi kayo ng integrasyon,” ani Remulla sa ika-34 anibersaryo ng BJMP sa Quezon City.
Ibinida rin niya ang pagbaba ng jail congestion mula 314% noong 2024 sa 296% ngayong taon, at ang mga programa para sa repormasyon ng mga PDL, gaya ng pagbibigay ng legal aid sa 85,000 PDLs, paglilinis ng 307 pasilidad laban sa droga, at edukasyon.
Higit 10,700 PDLs ang nagtapos ng basic education, 107 ang nakatapos ng kolehiyo, at 66,000 ang sumali sa mga kabuhayan na kumita ng P116.7 milyon.
Tiniyak ni Remulla ang patuloy na suporta ng DILG sa misyon ng BJMP na protektahan at bigyang pag-asa ang mga nasa kulungan. Santi Celario