Home HOME BANNER STORY Mananaya, endorsers parurusahan din sa panukalang online sugal ban

Mananaya, endorsers parurusahan din sa panukalang online sugal ban

MANILA, Philippines – Isinulong nina Senators Pia at Alan Peter Cayetano ang panukalang batas na nagbabawal sa lahat ng anyo ng online gambling sa bansa, dahil umano sa masamang epekto nito lalo na sa kabataan.

“Ang online sugal ay nagiging pugad ng krimen tulad ng panlilinlang, cybercrime, money laundering, at human trafficking,” ani Sen. Pia Cayetano.

Sa ilalim ng panukala, pagmumultahin ng hindi bababa sa P10 milyon at maaaring makulong ng 10 taon ang mga operator.

Ang mga mananaya ay posibleng pagmultahin ng hanggang P100,000 at makulong ng anim na buwan.

Samantala, ang mga magpo-promote ng online sugal ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P5 milyon at makukulong ng hanggang limang taon.

Magtatatag din ng Online Gambling Control Task Force sa ilalim ng Office of the President upang ipatupad ang batas kung ito’y maisasabatas. RNT