MANILA, Philippines – Pormal nang naghain ng reklamo ang Kawasaki Motors Philippines Corporation (KMPC) sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang ipadeklarang ilegal ang kasalukuyang welga na inilunsad ng kanilang unyon, at hiniling ang pagpapatalsik ng mga opisyal ng unyon na nanguna sa kilos-protesta.
Ang reklamo ay bunsod ng welgang sinimulan noong Mayo 21, 2025 ng mga kasapi ng Kawasaki United Labor Union (KULU) sa pamumuno ng kanilang pangulo na si Richard Balberan. Iginiit ng KMPC na lumalabag ang welga sa “No Strike, No Lockout” na probisyon ng Collective Bargaining Agreement (CBA) na pirmado ng magkabilang panig noong Mayo 2022.







