MANILA, Philippines – Bukas ang Egypt sa pagkuha ng mga Pilipinong nurse upang sanayin ang kanilang lokal na mga nurse, ayon sa pagpupulong ng mga opisyal mula sa dalawang bansa. Ayon kay Osama Al-Azhari, Ministro ng Religious Endowment ng Egypt, magtuturo ang mga Pilipinong nurse doon nang matagal na panahon.
Nagkaroon din ng kasunduan para sa pagpapadala ng mga Pilipinong imam at hurista sa Egypt upang sanayin sa Sharia o batas Islamiko.
Pinalakas naman ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Lithuania para tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga Pilipino sa larangan ng kalusugan, maritime, transportasyon, konstruksyon, at serbisyo sa pagkain. RNT