IRAN – Pinirmahan ni Pangulong Masoud Pezeshkian ng Iran ang batas na humihinto sa pakikipagtulungan sa International Atomic Energy Agency (IAEA), matapos aprubahan ito ng parliamento. Ayon sa batas, kailangan ng pahintulot mula sa Supreme National Security Council ng Tehran bago muling inspeksyunin ng IAEA ang mga nuclear site ng Iran.
Inakusahan ng Iran ang IAEA na pabor sa Kanluran at nagsisilbing dahilan ng mga pag-atake ng Israel. Naghihintay naman ang IAEA ng opisyal na impormasyon mula sa Iran.
Sinabi rin ni Foreign Minister Abbas Araqchi na matindi ang naging pinsala ng US bombing sa Fordow nuclear site ng Iran. RNT