Home METRO Tsuper na sangkot sa aksidente sa Commonwealth, tinanggalan ng lisensya – LTO

Tsuper na sangkot sa aksidente sa Commonwealth, tinanggalan ng lisensya – LTO

265
0

MANILA, Philippines – Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang jeepney driver na nasangkot sa isang malagim na aksidente na ikinamatay ng dalawang tao at ikinasugat ng 16 pang iba noong Abril sa Commonwealth, Quezon City.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na napatunayang guilty sa reckless driving ang driver at pinagmulta ito ng P2,000, maximum penalty na pinayagan sa ilalim ng batas.

“I also approved the revocation of the driver’s license of the jeepney driver for being an improper person to operate a motor vehicle,” saad ni LTO chief Vigor Mendoza.

Ayon pa kay Mendoza, hindi lamang siya nag commit ng reckless driving kundi pati na rin ang pag lagpas sa itinalagang lane para sa mga pampasaherong sasakyan.

“Let this serve as a lesson about road safety and discipline. Dahil sa ganitong klaseng pagmamaneho, nawalan ng hanapbuhay ang jeepney driver na ito,” paliwanag ni Mendoza.

Batay sa CCTV footage noong Abril 13, 2025, nakitang mabilis ang pagpapatakbo ng jeep malapit sa Kasunduan Street, bumaliktad ang nasabing jeep nang mabangga nito ang kaliwang bahagi ng isang modernized jeep, kalaunan ay nahagip naman nito ang kanang bahagi ng isang sedan.

Nabangga at napatay din ng nasabing jeep ang dalawang estudyante na papasok sa kanilang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

16 naman na iba pa ang natamo ng pinsala sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here