MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na obligahin ang mga financial institution sa bansa na limitahan ang gaming access ng kanilang mga user upang maprotektahan ang mga kliyente ng digital platforms na ito mula sa banta na may kaugnayan sa online gambling.
Ayon sa BSP, naglabas na ito ng draft circular para sa naturang hakbang at sinusuri na ang mga feedback mula sa mga stakeholder.
“The circular would seek to require BSP-supervised institutions (BSIs), primarily banks and electronic money issuers, to better protect users of their digital platforms from these risks. Protection may come in the form of various limits to gaming access,” ayon sa BSP.
“The BSP is taking a collaborative approach to crafting the circular, to ensure that the final policy strikes a balance between protecting consumers and preserving access to digital payments for licensed businesses,” dagdag pa.
Maaalalang noong 2021 ay nag-isyu ang BSP ng direktiba na nagbabawal sa regulated entities sa pakikipag-ugnayan sa hindi lisensyadong gambling operators.
Inatasan din nito ang mga e-wallet at iba pang BSIs na alisin ang mga link sa electronic sabong o e-sabong mula sa kanilang mga platform noong 2022.
“The BSP remains committed to promoting a safe, secure, and inclusive digital finance ecosystem for all Filipinos,” pahayag ng BSP.
Ngayong linggo, naghain si Senador Sherwin Gatchalian ng panukala na magpapatupad ng mahigpit na regulasyon sa online gambling, kabilang ang pagbabayad sa paggamit ng e-wallet para sa online gambling, nagpapataas sa minimum age mula 18 patungong 21, at minimum bet na P10,000 at top up na P5,000. RNT/JGC