Home NATIONWIDE Mga pulis na iniuugnay sa mga nawawalang sabungero tukoy na – NAPOLCOM

Mga pulis na iniuugnay sa mga nawawalang sabungero tukoy na – NAPOLCOM

285
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng National Police Commission (NAPOLCOM) na natukoy na nila ang mga pangalan ng ilang pulis na umano’y sangkot sa kaso ng pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa ulat, ipatatawag ang mga naturang pulis para harapin ang isasagawang administrative investigation.

Lumabas ito matapos ihayag ni Julie “Dondon” Patidongan alyas Totoy, isa sa mga akusado sa kaso, na may ilang pulis umanong sangkot sa pagkawala ng mga biktima.

“Hindi kami bulag. Alam namin kung saan patungo ang imbestigasyon. Targeted ang aming investigation,” ayon kay NAPOLCOM vice chairperson Atty. Rafael Calinisan.

“I will not lie to you. I know the names. However, I cannot disclose it to you as of now,” dagdag niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here