Home NATIONWIDE NCAP sa mga kalsada malapit sa mga pribadong paaralan target ng MMDA

NCAP sa mga kalsada malapit sa mga pribadong paaralan target ng MMDA

1093
0

MANILA, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatupad ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa mga kalsada malapit sa mga pribadong paaralan upang maibsan ang trapiko.

Ayon sa MMDA, mabigat ang trapiko sa mga oras na inihahatid at sinusundo ang mga estudyante sa ilang pribadong paaralan.

Sa Ateneo de Manila University sa Quezon City, nasa 14,000 sasakyan ang labas-pasok sa school compound sa buong araw.

Tila nagiging parking space naman ang Ortigas Avenue sa San Juan City sa dami ng mga sasakyan na maghahatid-sundo sa mga estudyante sa La Salle Greenhills.

“Nagiging chokepoints ito pong mga lugar na ito dahil sa dami po ng mga sasakyan na naghahatid at nagsusundo po ng mga estudyante. Minsan dalawa, tatlong lanes na yung nasasakop,” ayon kay MMDA chair Don Artes.

Dahil sa traffic congrestion na idinudulot nito, maglalagay ang MMDA ng mga CCTV camera sa EDSA, Ortigas, at Katipunan avenues, malapit sa Poveda, La Salle Greenhills, Xavier School, Immaculate Concepcion Academy, Miriam College, at Ateneo de Manila.

Plano rin ng MMDA na alisin ang mga traffic enforcer nito sa lugar upang maiwasan ang mga insidente ng panunuhol.

“Yung enforcers namin, hindi rin namin alam kung naba-bribe ba sila, may maintenance ba sila, kaya hinahayaan nila at di enforce strictly yung traffic rules. Hindi rin naman namin mabantayan yung tao namin din 24/7. That’s why nga instead of enforcers, ang ilalagay na namin, CCTV cameras,” ani Artes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here