Home SPORTS Gilas Women rumesbak sa Thailand sa Jones Cup

Gilas Women rumesbak sa Thailand sa Jones Cup

244
0

NAKABAWI agad ang Gilas Pilipinas Women makaraang talunin ang Thailand, 83-66, sa kanilang ikalawang laban sa 2025 William Jones Cup sa Taipei.

Isang araw matapos matalo sa host team Chinese Taipei, gumanda ang laro ng Filipinas.

Nagpakitang-gilas si Jack Animam na may 23 puntos at 14 rebounds, habang si Vanessa de Jesus ay kumamada rin ng 23 puntos kabilang ang tatlong tres.

Lalong lumayo ang Gilas sa third quarter kung saan lumamang sila, 26-12.

Si Sumaya Sumampong naman ang ikatlong Filipina na pumalo ng double digits sa scoring na may 11 puntos.

Sa kabuuan, bumawi ang koponan matapos ang mapait na pagkatalo sa unang laban, 85-59.

Kasalukuyan nang may 1-1 record ang Pilipinas, at susunod na makakaharap ang matatag na koponang South Korea kung saan bahagi ito ng kanilang paghahanda para sa FIBA Women’s Asia Cup sa Shenzen, China sa susunod na linggo.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here