Home SPORTS Alas pasok sa semis ng VTV CupSPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Alas pasok sa semis ng VTV CupJuly 4, 2025 14:01 FacebookTwitterPinterestWhatsApp PASOK na sa semifinals ang Alas Pilipinas matapos tambakan ang Thailand’s Est Cola, 25-17, 25-21, 25-21, sa VTV Cup 2025 sa Vinh Phuc, Vietnam.Ito ang ikalawang beses na umabot sa semis ang Pilipinas mula nang magbronse ang Choco Mucho noong 2023.Tatlong sunod na panalo na ang nakuha ng Alas kung saan susunod nilang makakaharap ang defending champion na Korabelka mula Russia sa Final Four.Tinalo rin ng Korabelka ang Australia sa straight sets sa quarterfinals.Malakas ang naging simula ng Alas sa unang set kung saan mula sa 12-13 ay nagtala sila ng 12-3 run upang makuha ang 25-17.Sina Brooke Van Sickle at MJ Phillips ng Petro Gazz ang nanguna sa pagsisimula.JC